“Pagpapatuloy, Pagtutulungan, Pag-Unlad:
Pag-abot sa Distance Learning sa pamamagitan ng Inobasyon at Pagtutulungan’,
ang tema ng In-Serve Training (INSET) ng Navotas National High School (NNHS).
Ang unang araw ng Birtuwal INSET ng NNHS ay
naganap noong Enero 31, 2022 gamit ang platform ng Zoom, sa ganap na ika-9:00
ng umaga. Ito ay pinangunahan ng kagawaran ng Ingles at Araling Panlipunan sa
pamumuno nina Gng. Eloisa F. Ababat at Ria F. Dela Cruz.
Naging makasaysayan ang unang araw ng INSET na
ito sapagkat dito inilunsad ang Kauna-unahang Internasyonal na Pang-Institusyong Pakikipagsosyo o Pag-anib ng
Navotas National High School sa internasyonal na samahang International Society
of Teachers, Administrators and Researchers o ISTAR. Ito ang kauna-unahang
international partnership ng NNHS kung saan ang mga guro ay makakaroon ng
maraming opurtunidad sa iba’t ibang internasyonal na binhisipan at wokshap di
lamang sa edukasyon maging sa riserts.
Tinangggap ni Dr. Rommel V. Tabula, nagtatag at
Presidente ng ISTAR, ang
pang-institusyong pakikipagsosyo ng NNHS sa pamamagitan ng paggawad ng
sertipiko ng institusyonal na pakikipagsosyo. Kasunod ng pagtanggap ng sertipiko ng
institusyonal na pakikipagsosyo ay
iniwan niya ang mga kataga ng panghihikayat…”Let’s strengthen this
collaboration, let us support one another not only for our personal growth but
for the institution as a whole.”
Ibinahagi ni Dr. Marco D. Meduranda, OIC-Principal ng
paaralan, ang kanyang 5 Point Agenda kung saan ito ang magiging tunguhin ng
buong NNHS.
Sa ikalawang bahagi ng INSET ay isinagawa ang gawaing
pangkagawaran. Ang gawain ng bawat kagawaran ay rebyuhin ang kanilang mga
proyekto at gawain sa taong kasalukuyan. Bawat kagawaran ay sabay-sabay na naka-stream
via NNHS Faculty Development Portal habang isinasagawa ang kanilang gawain.
Sa kabuuan ay naging matagumpay ang unang araw
na ito sapagkat naging positibo ang pagtanggap ng lahat ng guro sa bagong
normal o paraan ng pagsasagawa ng birtuwal inset.
Inihanda
ni:
ANNA LIZA A. ADIER
Puno ng Kagawaran, Filipino