Enhanced Simulation ng NNHS, Binisita ni Mayor Toby Tiangco








Masiglang binisita ni Mayor Toby Tiangco ang isinagawang Enhanced Simulation ng Navotas National High School noong ika-16 ng Pebrero, 2022. Ipinakita rito nang buo kung paano nagaganap ang Hybrid Flexible Teaching and Learning. Si Gng. Ethel Sueno at Gng. Bernadette Magro ang mga mahuhusay na gurong tumanggap ng hamon upang magpakitang turo gamit ang HYFLEX approach sa 15 mag-aaral sa Baitang 10.
Namangha si Mayor Tiangco sa ipinakitang bago sa paraan ng pagtuturo.
“Hindi ko akalain na pwede pala ang ganito” Dati kasi sa panahon namin ay walang cellphone”.
Nagpapasalamat tayo sa ating mga guro at sa buong DepEd-Navotas sa kanilang pagsisikap na maging ligtas at maayos ang pagbabalik-eskwelahan ng ilan sa ating mga estudyante.
Nagpapasalamat din tayo sa mga magulang at mga estudyante na nagpasyang magpabakuna para may proteksyon sila habang nasa paaralan.
Bukod kay Mayor, bumisita rin sina SDS Alejandro Ybañez, EPS-MAPEH Ernifer Cosmiano, EPS-Filipino Rico C. Tarectecan.
Katuwang ng paaralan sa pagsasagawa ng gawaing ito ang mga barangay tanod at health officials ng Barangay Sipac-Almacen na pinamumunuan ni Kap. Dorwin Villanueva.
Sa kabuuan, positibo ang naging feedback ng mga mag-aaral sa isinagawang enhanced simulation dahil marami ang natuwa at nasiyahan na sila’y nagbalik paaralan na at nakita naman nilang siniguradong ligtas ang pasilidad ng paaralan.
Isinulat ni:
Anna Liza A. Adier
Puno ng Kagawaran, Filipino